Pamilya ng nasawing biktima sa shootout sa Maynila, nananawagan ng hustisya

Umaapela ang asawa ng biktima na nadamay sa shootout sa Sta. Cruz, Maynila na kasuhan ang mga pulis na sangkot sa shooting incident noong Biyernes.

Ayon kay Poleto Depaudhon, asawa ng biktima na si Rosemarie, dapat kasuhan ang mga pulis na responsable sa naturang operasyon.

Matatandaan na si Rosemarie ang tinamaan ng umano’y ligaw na balasa ulo at binti nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at riding-in-tandem sa Recto.


Sa kuha ng CCTV, nakita na tumatakbo si Rosemarie kasama ang kaibigan hanggang sa bumulagta ito kasunod nila ang suspek.

Sumailalim na sa ballistic examination ang mga baril ng mga pulis at suspek habang na-autopsy na rin ang bangkay ng biktima.

Ayon kay MPD PIO Police Major Philippines, nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Manila Police District kung saan posibleng maharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga pulis kung magrereklamo ang pamilya.

Sinisiguro naman ng MPD na wala silang pagtatakpan sa insidente matapos mamatay ang ginang habang apat ang sugatan kabilang na ang dalawang pulis at isang tricycle driver.

Facebook Comments