Pamilya ng Nasawing Health Worker mula Isabela, Tinanggap na ang P1 Milyon Cash Incentives

546

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap na ng tulong ang pamilya ng nasawing health worker mula sa Bayan ng Aurora sa Isabela matapos ang pakikipaglaban nito sa corona virus.

Kasabay ito ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay sa lalong madaling panahon ang tulong pinansyal sa mga pamilya ng nasawing mga health worker.

Ayon kay Health Education and Promotion Board Officer Lexter Guzman ng DOH Region 2, tumanggap ng P1 milyon ang pamilya ng 28-anyos na health worker na namatay sa pakikipaglaban sa virus.


Aniya, ang nasabing health worker ay namatay sa isang pagamutan sa Metro Manila habang ginagawa nito ang kanyang trabaho bilang isang nurse.

Samantala, mahigit isang buwan ng walang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments