Pamilya ng nasawing kadete dahil sa heatstroke, pinag-aaralang kasuhan ang pamunuan ng PNPA

Pinag-aaralan na ng pamilya ng namatay na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang opisyal ng akademiya.

 

Naniniwala kasi ang pamilya ng 21-anyos na kadete na si Al-Rasheed Macadato na nagkaroon ng kapabayaan ang PNPA kaya nasawi ito matapos mag-collapse sa kalagitnaan mg training sa Silang, Cavite noong May 15.

 

Heat stroke ang sinasabing ikinamatay ni Macadato pero base sa kanyang death certificate, nagkaroon siya ng multiple organ failure.


 

Iniimbestigahan din ng pamilya ang natanggap nilang report na dead on arrival na sa ospital ang kadete.

 

Una nang sinabi ng PNPA na binigyan nila ng first aid si Macadato bilang bahagi ng standard operation procedure.

 

Pero giit ng ama nito na si Engr. Rasahd Macadato, dapat ay dinala na kaagad sa Qualimed Hospital na malaput lang sa loob ng akademya.

 

Samantala, nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang PN PA para malaman kung mayroong pagkukulang sa kanilang training program.

 

 

Facebook Comments