PAMILYA NG NASAWING NPA, INABUTAN NG TULONG NG DSWD

Personal na iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang tulong pinansyal para sa naulilang pamilya ng nasawing NPA sa nakaraang engkwentro.

Sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay tagumpay na iginawad ang P20,000 na tulong pinansyal mula sa PGC.

Bukas palad naman itong tinanggap ng pamilya ni Orlando Sagsagat alyas Jorly.


Si alyas Jorly ay kabilang sa nalagas sa grupo ng mga terorista na nakasagupa ng kasundaluhan mula sa 5th Infantry Division, Philippine Army sa bahagi ng Peñablanca.

Umaasa naman ang 5ID na sa pagkawala ni alyas Jorly na inabandona din ng kanyang grupo ay magiging bukas na ang mga mata ng natitirang kasapi ng NPA at magiging daan ito upang tuluyang kumalas sa makakaliwang grupo.

Facebook Comments