Nabigyan na ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya ng isang nasawing Pilipino sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Israel at Palestine.
Ayon kay DSWD Usec. for Operations Group Pinky Romualdez, nasa P10,000 financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations, ang ibinigay na tulong sa pamilya ng 42-taong gulang na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Pampanga.
Maglalaan din ang DSWD ng burial assistance sa pamilya, oras na maiuwi na sa Pilipinas ang labi ng migrant worker.
Bukod dito, handa rin umano ang DSWD na magbigay pa ng ibang tulong sa kaanak nito kabilang ang Sustainable Livelihood Program, lalo pa’t napag-alaman na ang nasawing OFW ay tumatayong breadwinner ng pamilya.
Facebook Comments