Pamilya ng nasawing si Calbayog City Mayor Ronald Aquino, inaming 21 bala ang tumama sa katawan ng kanilang ama

Inamin ng panganay na anak ng nasawing si Calbayog City Mayor Ronald Aquino na aabot sa 21 ang tama ng baril na tinamo ng kaniyang ama na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Bagama’t hindi nagbigay ng pangalan, sinabi ng nakakabatang Aquino na pitong gunmen ang tumambang sa kaniyang ama upang matiyak na mapapatay ito.

Lulan aniya ng sasakyan ang kaniyang ama papuntang birthday party nang tambangan ng mga suspek hawak ang matataas na kalibre ng armas sa Barangay Lonoy nitong Lunes.


Itinanggi naman ng nakakabatang Aquino ang mga alegasyong nagkamali lang ang mga suspek nang pinatay, dahil galing sa lokal na pamahalaan ang sasakyang ginamit at iisang ruta lang ang laging dinadaanan ni Mayor Aquino.

Facebook Comments