Pamilya ng Negosyanteng nawawala sa Lungsod ng Cauayan, Nag-alok ng Pabuya!

1769

Cauayan City, Isabela – Handang magbigay ng pabuya ang pamilya Pua sa sinumang makakatulong at makakapagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagkawala ng kanilang kamag-anak.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang nawawalang mangangalakal na si Alvin Recobo Pua, 47 anyos, nagmamay-ari ng TD Hotel dito sa lungsod ng Cauayan at residente ng District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan sa kanyang anak na si Wilson Pua, sinabi nito na simula noong lunes ng umaga, Marso 11, 2019 noong lisanin ng kanyang ama ang kanilang bahay ay hindi na ito makontak hanggang sa ngayon at hindi na rin nila alam ang kinaroroonan nito.

Noong umalis si Alvin Pua sa kanilang bahay ay lulan nito ang kanyang puting Izuzu DMAX na may plate number BAA 4002.

Nakipag ugnayan na rin ang kanyang pamilya sa mga kasapi ng PNP Cauayan City.

Maaari namang tumawag o mag-text sa numerong 09151894988 sa may impormasyon sa kinaroroonan ni Alvin Pua o kaya ay ipagbigay alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at may nag aantay na pabuya sa sino mang makatulong para mahanap ang biktima.

Facebook Comments