Personal na nakiramay si OWWA Administrator Arnell Ignacio sa pamilya ng namatay na OFW sa Kuwait dahil sa coal suffocation.
Sa pagbisita ni Ignacio sa pamilya ng OFW sa Montalban, Rizal, tiniyak nito na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang maiuwi sa lalong madaling panahon ang labi ng OFW.
Tiniyak din ng opisyal ang tulong para sa pamilyang naulila.
Ang naturang OFW ay isa sa mga nasawi sa coal suffocation matapos malason sa usok mula sa heating system sa kanyang pinagtatrabahuan sa Kuwait nitong ika-2 ng Enero.
Facebook Comments