Pamilya ng OFW na nasawi sa sunog sa Hong Kong, inabutan ng tulong ng OWWA

Personal na binisita nina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator PY Caunan sa Cainta, Rizal ang pamilya ng Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa sunog sa Hong Kong.

Ito’y upang magpaabot ng tulong at suportang kinakailangan ng pamilya.

Ayon sa OWWA, nakikiisa sila sa pagdadalamhati ng Filipino community sa pagkasawi ng isang OFW sa sunog sa Tai Po, Hong Kong.

Kasunod nito, tiniyak ng pamahalaan na matatanggap ng pamilya ang lahat ng benepisyo at agarang maipauwi sa bansa ang labi ng ating kababayan.

Kasama rin dito ang tulong pang-edukasyon para sa anak ng OFW sa ilalim ng Education and Livelihood Assistance Program (ELAP).

Facebook Comments