Pamilya ng pinatay na si Rep. Batocabe, umapela sa publiko

Kasunod ng pagpapalabas ng Special Investigation Task Group Batocabe ang composite sketch ng mga suspek, personal na umapela ngayon sa publiko ang pamilya ng pinaslang na si Ako Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe.

Apela ni Atty. Justine Batocabe, panganay na anak ng mambabatas, sana ay makipagtulungan sa kanila at sa pulisya ang publiko upang kaagad na maresolbahan ang kaso nang pagpaslang sa kanyang ama.

Tiniyak din ng batang Batocabe na nananatili ang kumpyansa ng pamilya sa investigating body at iba pang law enforcement agencies na nakatututok sa kaso na matutunton ang pinaka-utak sa krimen.


Pinasalamat din nito ang tulong at suporta ng iba’t ibang personalidad lalo na sa mabilis na aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, tiniyak naman din nito na inaayos na ng pamilya ang pagsailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng posibleng testigo, gayundin sa pagsawata sa mga aktibidad ng mga Private Armed Groups (PAGs) upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bayan ng Daraga.

Facebook Comments