Monday, January 19, 2026

Pamilya ng Pinay filing clerk sa UAE na natagpuan patay comfort room, hindi naniniwalang nag-suicide ang OFW

Hindi naniniwala ang pamilya ng Pinay na si Mary Jill Dela Cerna Muya, 44-anyos, na nagpakamatay ang OFW sa tinutuluyan nitong silid sa Dubai, United Arab Emirates.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvone Caunan, may kutob ang pamilya ni Muya na may foul play sa pagkamatay ni Mary Jill..

Ito ay lalo na’t nakausap pa nila si Muya bago ang insidente kaya hinihiling ng pamilya ang masusing imbestigasyon sa tunay na dahilan ng pagkamatay Pinay.

Sinabi ni Caunan na patuloy namang kinakausap ng welfare officers ng OWWA ang pamilya ng OFW.

Ito ay habang inaabangan nila ang resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa UAE.

Batay sa record ng OWWA, si Muya ay single, tubong Iloilo at may tatlong anak

Facebook Comments