Pamilya ng Pinay na namatay sa Hong Kong, huminingi ng privacy sa publiko

Kinumporma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakikiusap ang pamilya ng Pinay worker na namatay sa Hong Kong na huwag na lamang isapubliko ang pangalan ng OFW.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Raymond Cortez, ito ang dahilan kung bakit pinili nila na huwag na lamang ilabas ang pangalan ng Pinay at maging ng employer nito.

Tiniyak naman ng DFA na tinututukan nila ang imbestigasyon ng Hong Kong Police sa kaso.


Nangako rin aniya ang employer ng OFW na tutulong ito sa gastos sa pagpapauwi ng labi ng Pinay gayundin ang naiwang sweldo nito.

Ang labi ng nasabing Pinay ay natagpuang lulutang lutang sa pier ng Hong Kong.

Facebook Comments