Nais ng pamilya Alvarado na tutukan ng media ang kaso ng pagkamatay ng Pinay OFW sa Kuwait na sinasabing namatay sa coal suffocation.
Ayon kay Rechilda Desunia, Vice Chairperson ng Samahan ng mga Domestic Helper sa Gitnang Silangan, nagduda kasi ang pamilya ng OFW na si Jenny Alvarado nang makita nila ang labi ng Nepalese na maling naidala sa Pilipinas.
Sinabi pa sa DZXL News ni Desunia na nakita ng pamilya ng OFW ang labi ng Nepalese na katrabaho ni Jenny na may bakat ng pananakal ng lubid at tuklap ang mga kuko.
Pasado alas-singko mamayang hapon darating sa NAIA 1 ang labi ni Jenny at ito ay idederetso sa Cargohouse Bldg. sa NAIA Complex.
Ala-una naman ngayong tanghali aalis ng Montalban, Rizal ang pamilya ng OFW para magsundo sa Cargohouse.
Agad namang idederetso sa kanilang tahanan sa Montalban ang labi ni Jenny.