Pamilya ng Pinay OFW na natagpuang patay sa Saudi Arabia, nananawagan ng hustisya

Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng Overseas Filipino Worker (OFW) na natagpuang patay sa Saudi Arabia.

Ayon kay Rits Parungao, kapatid ng pinaslang na OFW na si Marjorette Garcia, nais nilang maisailalim sa autopsy ang labi ng kapatid at maiuwi agad ito sa Pilipinas.

Aniya, ang sinabi lamang sa kanila agency ng kanyang kapatid ay aksidente itong nasaksak.


Sinabi pa ni Parungao na September 14 pa sila huling nagkausap ng kanyang kapatid at wala naman itong nabanggit na problema.

Matapos aniya ang dalawang linggo ay nawala na ang kanilang komunikasyon kaya nakipag-ugnayan sila sa mga kaibigan nito at nagulat sila nang malaman na nasa morgue na ito.

Taong 2021 nang magtrabaho sa Saudi Arabia si Marjorette at pauwi na sana ito ngayong Oktubre kasabay ng pagtatapos ng kanyang kontrata sa employer doon.

Facebook Comments