Pamilya ng Pinay OFW na pinaslang sa Kuwait, nanawagan ng hustisya

Nanawagan ng hustisya ang pamilya ni Jullebee Ranara kasunod ng brutal na pagpatay sa naturang Pinay OFW sa Kuwait.

Ayon sa ina ni Ranara, umaasa silang makakamit ng kanyang anak ang hustisya.

Sa interview naman ng RMN Manila, sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na ayaw munang pakinggan ng pamilya ni Ranara ang mga kwento sa kung paano pinatay ang OFW.


Hihintayin na lamang daw nila ang opisyal na ulat mula sa abogado at sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Samantala, nagpalasamat ang ina ni Ranara sa mabilis na pag-aksyon ng gobyerno ng pilipinas gayundin sa mabilis na proseso ng pagpapauwi sa mga labi ng kanyang anak.

Nabatid na sinagot ng recruiment agency ang gastos sa pagpapauwi sa mga labi ni Ranara gayundin ang lupang paglilibingan nito.

Darating ang mga labi ni Ranara sa Pilipinas mamayang gabi.

Facebook Comments