Manila Philippines – Nagpapasalamat ang pamilya sa naging desisyon ng korte sa United Arab Emirates (UAE) na ibaba ang hatol ng pinay OFW na si Jennifer Dalquez.
Nabatid na mula sa parusang bitay ay ibinaba sa limang taong pagkakakulong ang haharapin ni Dalquez kaugnay sa kasong pagpatay sa kanyang amo.
Sa interview ng RMN sa ina ng pinay OFW na si Rajima Dalquez – lubos siyang natutuwa dahil makakapiling pa rin niya ang kanyang anak.
Ikinuwento pa ni ginang Rajima – sa kanya nalaman ng kanyang anak ang naging hatol.
Dahil sa pagpapawalang bisa sa parusang kamatayan kay Jennifer, hindi na siya pagbabayarin ng blood money sa naulila na napatay nitong amo.
Facebook Comments