Manila, Philippines – Maghahain ng motion for reconsideration ang mga naulilang pamilya ng SAF 44 at ang Volunteer’s Against Crime & Corruption sa Office of the Ombudsman hinggil sa pagdowngrade o pagpapababa ng kaso na isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Aquino.
Ayon kay Dante Jimenez, founding chairman ng VACC nais din nilang mag-inhibit si Ombudsman Conchita Carpio Morales at ang special panel of prosecutors na may hawak ng kaso ng Mamasapano massacre.
Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio legal counsel ng VACC at kumakatawan sa mga naulilang pamilya ng SAF 44 nais nilang isulong ang multiple homicide na orihinal nilang isinampa laban sa punong ehekutibo.
Paliwanag ni Topacio dismayado at hindi sila kuntento sa Graft and Usurpation of Authority na isinampa laban kay Aquino dahil hindi naman pagnanakaw ang usapin dito bagkus 44 na SAF commandos ang napatay.
Sa ngayon hinihintay parin natin ang pormal na paghahain ng MR ng VACC sa Ombudsman.