Manila, Philippines – Nagtipon-tipon sa harap ng Dept. of Justice ang pamilya ng apatnaput apat na miyembro ng tinaguriang SAF44 na napatay sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Jan 25, 2015.
Hiniling nila sa DOJ ang pagbibigay ng agarang hustisya sa kanilang mga kaanak na miyembro ng Special Action Force ng PNP na napatay ng mga rebelde sa Mamasapano.
Una nang sinampahan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng pamilya ng SAF44 ang grupo ni dating Pangulong Noynoy Aquino ng 44 counts ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.”
Gayunman, bago nagretiro si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay nagdesisyon itong i-downgrade ang kaso sa graft at “usurpation of authority.”
Bunga nito, humirit ang VACC sa Korte Suprema ng temporary restraining order kaya napigilan ang pag-usad ng kaso.