Pamilya ng suspek sa Ateneo shooting incident, nakakatanggap umano ng pagbabanta sa kanilang buhay; proteksyon sa otoridad, ipinanawagan!

Humihiling ngayon ng proteksiyon ang pamilya ni Dr. Chao-Tiao Yumol, suspek sa Ateneo shooting incident sa Quezon City.

Kasunod na rin ito ng pagkakapatay sa kanilang padre de pamilya kahapon ng umaga sa Lamitan City sa Basilan.

Nabatid na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa labas ng kanilang bahay sa Lamitan si Rolando Yumol, isang retiradong pulis, at ama ni Chao-Tiao na suspek sa pamamaril at pagpatay kay dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, executive aide nito na si Victor Capistrano, at Ateneo security guard na si Jeneven Bandiala.


Bunsod nito, nanawagan si Muykim Yumol, asawa ng biktima at ina ni Chao-Tiao kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tulungan sila dahil sa mga natatanggap na sa banta sa kanilang buhay.

Ayon kay Muykin, may bali-balita sa kanila na pinag-iingat sila dahil iisa-isahin na raw ang kanyang pamilya.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng Philippine National Police ang mga suspek at motibo sa nangyaring pagpaslang kay Rolando.

Dahil sa insidente, inatasan na ni Basilan Provincial Police Director Police Colonel Pedro Martirez ang PNP na higpitan ang pagbabantay sa pamilya Yumol

Facebook Comments