
Sinisiguro ng Philippine Coast Guard (PCG) na makakatanggap ng suporta ang pamilya ni Seaman First Class Alkhaizar Hadjail.
Ang nasabing Coast Guard ang isa mga nasawi matapos lumubog ang M/V Trisha Kerstin 3 sa katubigan ng Baluk-Baluk Island sa Basilan.
Nabatid na kinumpirma ng PCG ang pagkarekober sa bangkay ng nasabing tauhan kahapon, Pebrero 1, 2026 sa nagpapatuloy na search and rescue operations na isinasagawa ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga volunteer na mangingisda.
Nakilala si Hadjail matapos ang beripikasyon sa pamamagitan ng itinakdang mga proseso at koordinasyon sa kanyang pamilya.
Kinikilala ng PCG ang kabayanihan nagawa ni Hadjail kasabay ng pag-abot ng pakikiramay sa naulilang pamilya.
Facebook Comments










