Pamilya ni Carl Arnaiz, nasa ilalim na ng WPP; taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl, hindi pa dumudulog sa DOJ

Manila, Philippines – Binigyan na ng Department of Justice (DOJ) ng provisional government protection ang mga magulang ng disi nuwebe anyos na napatay ng mga pulis ng Caloocan sa C3 Road.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes ,nasa illaim na ngayon ng Witness Protection Program ng DOJ ang mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz na sina Carlito at Eva.

Samantala, wala pang aplikasyon para sa WPP ang taxi driver na si Tomas Bagcal, ang sinasabing hinoldap ni Carl.


Nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng NBI sa nasabing kaso.

Una nang dumulog sa DOJ ang pamilya Arnaiz kasama ang Public Attorney’s Office.

Facebook Comments