Pamilya ni dating Usec. Cabral, dapat mabigyan ng panahong magluksa

Nagpahayag ng pakikiramay ang House Committee on Infrastructure sa pamilya at mga mahal sa buhay ng yumaong dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.

Mensahe ito ni Chairman Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list, makaraang matagpuan kagabi si Cabral na walang buhay sa bangin sa Kennon Road, Tuba, Benguet.

Ayon kay Ridon, marapat igalang at ibigay ang panahong ito sa pamilya ni Cabral upang makapagluksa.

Dagdag pa ni Ridon, makatwiran lamang na bigyan ng pagkakataon ang pamilya ni Cabral na alalahanin ang kanyang buhay at ang mga naiambag niya sa serbisyo publiko.

Facebook Comments