Pamilya ni hazing victim Atio Castillo, nakipagkita kay Justice Secretary Aguirre; Pakikipagpulong kay P-Duterte, hiniling

Manila, Philippines – Nagkaharap kanina sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at ang pamilya ni hazing victim Horacio Castillo III.

Kabilang sa humarap kay Aguirre ang mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr. at Carminia, tiyuhin na si Dr. Gerry Castillo, at kapatid na si Nicole.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, nagpasalamat ang pamilya Castillo sa mga tulong ng kalihim para maimbestigahan ang kaso ng pagkamatay ni Atio.


Kinumpirma rin ni Balmes na humiling kay Aguirre ang pamilya Castillo para sa audience sa Pangulong Duterte.

Kinumpirma naman ng DOJ na granted ang request na audience sa Pangulo ng pamilya ng hazing victim.

Nakatakda ang pakikipagkita ng pamilya Castillo kay Pangulong Duterte sa darating na Miyerkules, October 4.

Facebook Comments