Pamilya ni hazing victim Horacio “Atio” Castillo III at Pangulong Duterte, nagharap sa Malacañang

Manila, Philippines – Alas tres kanina, dumating sa Malakanyang Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at ang pamilya ni hazing victim Horacio Castillo III.

Ito ay para sa pakikipagpulong sa Pangulong Duterte

Kabilang sa humarap sa Pangulo ang mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr. at Carminia, tiyuhin na si Dr. Gerry Castillo, at kapatid na si Nicole.


Agad namang tinawagan ng Pangulong Duterte si Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel na pangunahan ang imbestigasyon.

Nangangahulugan ito na ang pulisya ang magiging lead agency sa imbestigasyon ng kaso.

Inatasan din ng Pangulo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ipatigil na ang ginagawang parallel investigation ng NBI.

Ito ay base na rin sa kahilingan ng pamilya Castillo.

Nais din ng Pangulong Duterte na gamitin ang INTERPOL para matunton ang kinaroroonan ng tumakas na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si Ralph Trangia.

Tiniyak din ng Presidente na pag-uusapan nila mamaya sa cabinet meeting ang pagkansela sa passport ni Trangia, John Paul Solano at iba pang mga suspek sapagkamatay ni Atio.


Facebook Comments