Pamilya ni Maasim, Sarangani Province Mayor Anecito “Jojo” Lopez – kampante sa kanyang seguridad sa PDEA 12

General Santos City – Kampante ngayon ang pamilyang Lopez na nasa kostudiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) si Maasim Sarangani Province Mayor Anecito “Jojo” Lopez Jr. matapos itong sumuko sa pamamagitan ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Ayon sa asawan ng Mayor na si Hydee Lopez, naghahanap na sila ng abogado na mag-aasikaso sa kaso ni Mayor Jojo Lopez.

Una nang sinabi ng ginang Lopez na hindi sa kanila ang mga armas, shabu, drug paraphernalia, at iba sa isinagawang pagraid sa kanilang bahay sa Barangay Lumasal, Maasim Sarangani Province.


Hamon nito sa PDEA na mas mabuti ipalabas ang sinasabing ‘green book’ na nakuha sa isinagawang raid para malaman kung kaninong sulat kamay ang nandoon.

Samantala no comment pa hanggang ngayon ang alkalde ukol sa pagsagawa ng raid sa kanyang pamamahay.

Facebook Comments