Pamilya ni Pangulong Duterte, hindi prayoridad sa vaccination maliban kung may comorbidities – Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na hindi prayoridad sa vaccination program ng gobyerno ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sila kasama sa priority list maliban na lamang kung mayroong comorbidities.

“Ang first family po, well, ang masasabi ko lang po, unless merong with comorbidity, hindi po talaga sila mabibigyan ng prayoridad,” paliwanag ni Roque.


Maaari ding tumulong ang pamilya ng Pangulo para maitaas ang tiwala ng publiko sa bakuna.

“Dahil mga public officials po ang mga anak ng Pangulo, eh baka naman po makipagtulungan din sila para ma-boost po ang vaccine confidence. Pero wala pa pong petsa kung kailan at kung sila ay papayag na mauna. I can only speak for the President,” dagdag ni Roque.

Ang mga public officials ay pampito sa vaccine priority list ng gobyerno.

Facebook Comments