Pamilya Parojinog, humingi na ng tulong sa VACC

Manila, Philippines – Dumulog na rin sa Volunteers Against Crime and Corruption ang pamilya Parojinog kasunod ng madugong raid sa compound ng naturang pamilya sa Ozamis City.

Sa panayam ng DZXL, sinabi ni VACC chairman Dante, Jimenez na tinawagan siya ng isa sa miyembro ng pamilya Parojinog.

Aantayin aniya muna nila ang pormal na sulat ng mga ito saka nila pag-aaralan kung may nalabag sa proseso ng operasyon ang pulisya.


Bagamat sang-ayon sila na paigtingin ang kampany sa iligal na droga, mahalaga aniya na mapakinggan ang tinig ng pamilya ng nasawi at nasugatan sa nangyaring raid sa compound ni Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr. Barangay San Roque, Lawis.

Ayon kay Jimenez, ipinapakita ng mga pangyayari na mistulang walang takot ang sindikato na ipagpatuloy ang kanilang pagtutulak ng droga kung kayat dapat nang tapusin ang laban sa illegal drugs sa bansa.

Facebook Comments