Pamilya Trangia, humirit sa DOJ na ibasura ang kaso laban sa kanila kaugnay ng Atio Castillo hazing case

Manila, Philippines – Humirit din sa DOJ panel ang pamilya Trangia na ibasura ang kaso laban sa kanila kaugnay ng pagkamatay ni hazing victim Horacio Castillo III.

Base sa kanilang kontra-salaysay, iginiit ng kampo ng mga Trangia na ang pagiging kasapi ni Ralph Trangia ng Aegis Juris Fraternity ay hindi nangangahulugan na kasama ito sa pagplano ng pagpatay kay Atio.

Bagamat lumalabas din anila sa imbestigasyon ng Manila Police District na naka-rehistro kay Antonio Trangia ang Strada pick-up kung saan sinakay si Atio patungo ng Chinese General Hospital, hindi naman anila natukoy sa imbestigasyon na ang amang Trangia ang nagmameho nito patungo ng ospital.


Nilinaw din ng mga Trangia sa kanilang kontra-salaysay na nang lumipad patungong Chicago, USA ang mag-inang Rosemarie at Ralph Trangia ay wala pang reklamo noon na naisasampa at wala ring preliminary investigation laban sa kanila.

Iginiit pa ng pamilya Trangia na walang balak umiwas sa imbestigasyon si Ralph dahil sa kayunayan ay may return tickets naman ang mag-ina nang magtungo sila ng Amerika.

Facebook Comments