Tuesday, February 17, 2026

Pamilya Veloso, kinumpirma na wala pa ring kumakausap sa kanila mula sa gobyerno kaugnay ng kahilingang clemency kay Mary Jane

Kinumpirma ng pamilya Veloso na wala pa ring kumakausap sa kanila mula sa panig ng pamahalaan.

Sa harap ito ng kanilang panawagan sa Pangulong Bongbong Marcos na mabigyan ng clemency si Mary Jane.

Ayon kay Cesar Veloso, ama ni Mary Jane, apektado na rin ang pag-aaral ng dalawang anak ni Mary Jane dahil nabu-bully ang mga ito sa eskwelahan.

Naniniwala si Ginoong Veloso na kung mapapalaya si Mary Jane ay mahihinto na ang pam-bu-bully sa dalawang anak nito at makakapag-aral na ng maayos.

Si Mary Jane Veloso ay isang taon at dalawang buwan nang nakapiit sa Correctional Institution of Women sa Mandaluyong City.

Ito ay matapos siyang payagan ng Indonesian government na sa
Pilipinas na lamang ipagpatuloy ang kanyang pagsisilbi ng sentensya matapos na maakusahang drug courier sa Indonesia.

Facebook Comments