Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nang 86,515 na pamilya o katumbas ng 136, 390 indibidwal dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton.
Batay sa kanilang huling monitoring, 3,717 na pamilya apektado ay nanatili ngayon sa 71 na evacuation centers habang 25, 485 na pamilya at nakituloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
Ang mga apektadong pamilyang ito ay namonitor sa regions 6,7,8,10,11,12, CARAGA at BARMM.
May naitala rin ang NDRRMC na isang patay pero ito ay bina validate pa kung talagang nasawi sa pananalasa ng bagyo habang dalawang sugatan at isa ang missing.
May namonitor rin ang NDRRMC na 16 na kalsada, apat na tulay at hindi madaanan ngayon dahil sa sama ng panahh dulot ng bagyong Agaton.
52 na bahay naman ang nasira na bagyong agaton sa region 7, 10 at CARAGA, 49 dito partially damaged habang 3 ay totally damaged.
Sa ngayon tuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinasalanta ng bagyong Agaton para agad mabigyang ayuda ang mga apektado.