Umabot na sa 38,934 pamilya o katumbas ng 143,779 indibidwal ang naapektuhan sa rehiyon dahil sa Bagyong Kristine, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2),
Sa Batanes, 11 pamilya ang naapektuhan, samantalang sa Cagayan ay umabot sa 24,566 pamilya ang nasalanta.
Sa Isabela, 13,230 pamilya ang naapektuhan, habang sa Nueva Vizcaya naman ay 442 pamilya habang sa Quirino naman ay 685 pamilya ang naiulat na apektado.
Nakapamahagi na ang DSWD ng kabuuang 23,365 family food packs at 2,553 non-food items na nagkakahalaga ng Php 20,755,959.21 upang agad na maipaabot ang tulong sa mga nasalanta.
Patuloy na nagsasagawa ng monitoring at pagtulong ang DSWD FO2 upang matiyak na natutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.