Pamilyang apektado ng pag-ulan at pagbaha, umabot na sa mahigit 300 ayon sa NDRRMC

Manila, Philippines – Umaabot na sa tatlong daan at dalawampu’t anim na pamilya (326) o katumbas ng 1 libo dalawangdaan at limangput apat (1,254) na inidibidwal ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng pabugso bugsong buhos ng ulan na nararanasan sa buong National Capital Region at Region 3.

Ito ay batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa bilang na ito, isang daan at walumput tatlong pamilya (183) o anim na raan at animnapu’t apat (664) indibidwal ang nanatili ngayon sa mga evacuation centers na makikita sa Malabon, Valenzuela City at Apalit Pampanga.


Sa ngayon nakaimbak na sa warehouse ng DSWD NCR ang mga relief goods na ipinamamahagi sa mga pamilya apektado ng sama ng panahon.

Kaugnay nito, nanatiling nakalerto ang region’s quick response team ng DSWD NCR para i-monitor ang sitwasyon ng mga evacuees.

Facebook Comments