Umakyat na sa 50,676 o katumbas ng 202,213 indibdiwal ang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan dulot ng southwest moonsoon na pinalakas ng Bagyong Fabian sa 480 Barangay sa Regions 3, Calabarzon, MIMAROPA, Region 6, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Isa naman ang naiulat na nasawi sa Benguet, ito ay 39-anyos na babae na residente ng Camp 8, Kennon Road Baguio na nasawi matapos mabagsakan ng nabuwag na puno.
Habang dalawa naman ang sugatan, ang mga ito ay 63-anyos at 29-anyos na kapwa residente rin ng Camp 8, Kennon Road Baguio, na nabagsakan din ng nabuwag na punong kahoy sa kasagsagan ng lakas ng hangin.
Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na ngayon ay patuloy na nakararanas ng pag-ulan.