PAMILYANG BIKTIMA NG SUNOG, NABIGYAN NG TULONG

CAUAYAN CITY – Nagpaabot ng tulong ang DSWD Field Office 2 sa pamamagitan ng SWAD-Nueva Vizcaya sa isang pamilyang naging biktima ng sunog sa Brgy. Balite, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kabilang sa tulong na natanggap ng mga biktima ay ang family food packs, family tent, sleeping kit, at family kit.

Nagbahagi rin ang LGU Aritao ng tulong gaya ng cash assistance, family food packs, mga gamit sa paaralan at kusina.


Matatandaan na ayon sa ulat ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Aritao ay isang bahay ang natupok ng apoy noong ika-30 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Facebook Comments