Pamilyang Degamo, inakusahan ng mga iligal na gawain sa Negros Oriental

Mistulang naging ‘character assassination’ ang ikaapat na beses na pagdinig ng Senado sa Degamo slay case.

Humarap sa pagdinig si Kitty Torres na dating personal staff ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Si Torres ang umano’y may impormasyon sa pagkamatay ng broadcaster sa lalawigan na si Rex Cornelio na kilalang kritiko rin ng gobernador.


Ayon kay Torres, matapos ang ikatlong pagdinig ng Senado noong April 19, ay pinaulanan ng bala ang kanyang tahanan at ang mga Degamo raw ang may kagagawan.

Tahasang sinabi ni Torres na ang mga Teves at Degamo ay kilalang mga ‘warlords’ sa Negros Oriental.

Maging ang dating tauhan din ng mga Degamo na si Jerome Nalam ay ibinulgar at direktang inakusahan si Siaton Mayor Fritz Diaz, kaalyado at kaanak ng mga Degamo, na ito ang pinakahari ng sugal sa Negros at sa katunayan mayroon itong sasakyan na Ferrari at Lamborghini.

Hindi naman itinanggi ni Diaz na siya ay nagsasabong pero aniya, wala siyang Lamborghini kun’di isang Ferrari na sasakyan lang na iniregalo umano sa kanya ng kanyang malapit na kaibigan.

Tugon naman dito ni Pamplona Mayor Janice Degamo, dating tauhan nila sina Torres at Nalam pero nasira ang relasyon nila sa pamilyang Degamo sa iba’t ibang kadahilanan matapos hindi mapagbigyan ng goberndor ang kanilang mga personal na interes at hiling.

Facebook Comments