Pamilyang maliit ang kita, ie-exempt sa VAT sa kuryente

Ipinalilibre sa pagbabayad ng 12% Value Added Tax (VAT) ang mga pamilyang may maliit na kita.

Nakapaloob ito sa isinusulong na House Bill 161 na inihain nina SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta at Caroline Tanchay.

Iginiit ng mga kongresista na ngayon ang kuryente ay hindi na maituturing na isang luho kundi bahagi na ng pangangailangan ng isang pamilya.


Dahil dito ay nilulunok na lamang umano ng mga consumer kung anuman ang ipataw na singil sa kuryente sa kanila gayong maraming isyu tulad ng ‘double taxation’ sa electric bills.

Sa panukala ay hindi na pagbabayarin ng VAT ang mga pamilyang kumukunsumo ng 200 kWh kada buwan.

Kung maisabatas ang panukalang batas, halos ₱1.20 kada kWh o kabuuang ₱240 kada buwan ang maibabawas sa singil sa kuryente.

Papatawan ng ₱100,000 na multa ang sinuman o alinmang kompanya na hindi magbibigay ng diskwento sa mga kwalipikadong consumer.

Facebook Comments