Pamilyang mawawalan ng tirahan bunsod ng North-South Railway project, makakatanggap ng subsidiya mula sa gobyerno ayon sa DOTr

Makakatanggap ng subsidiya ang mga informal settler families (ISF) na mawawalan ng tirahan bunsod ng pag-arangkada ng North-South Commuter Railway project.

Pahayag ito ng Department of Transportation (DOTr) sa ginanap na budget hearing ng ahensya para sa taong 2023 sa harap ng House committee on Appropriations kahapon.

Ayon kay Transportation Usec. Cesar Chavez, makakatanggap ng mula 3,000 hanggang 10,000 pesos na halaga ng rental subsidy sa 6,200 ISF na maapektuhan ng naturang proyekto.


Kasama rin dito ang pagbayad sa mga istraktura at halaman na tatanggalin para sa 127-kilometer project na may tatlong segments na pinangalanang Philippine National Railway (PNR) Clark Phase 1 na magdudugtong sa Tutuban at Malolos, Bulacan; PNR Clark Phase 2 na magdudugtong sa Malolos at Clark, Pampanga at PNR Calamba na magdudugtong sa Solis at Calamba, Laguna.

Samantala, inaasahan namang matatapos ang 777-billion-peso project na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa taong 2028.

Facebook Comments