Pamilyang naapektuhan ng malalakas na lindol sa Mindanao, mas dumami pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng malalakas na lindol sa Mindanao.

Batay sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot na sa 50,930 families o katumbas ng 254,473 indibidwal ang naapektuhan ng naranasang lindol sa Mindanao.

Kahapon ay 46,250 families lang ang naitala ng NDRRMC na mga naapektuhan ng lindol.


Ang mga apektadong pamilya ay namonitor ng NDRRMC sa 274 barangay sa Region 11 at Region 12 kung saan  8,265 families o 39,128 indibidwal ang nasa 47 evacuation centers.

Nadagdagan din ang mga infrastracture na nasira dahil sa naranasang lindol, na umaabot na ngayon sa 36,006 mula sa dating 34,482 infrastructures.

Pinakamaraming nasira mga bahay na umaabot sa 34,563.

Nagpapatuloy pa rin ang assessment ng NDRRMC katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno para matukoy ang kabuuang pinsala ng lindol sa Mindanao.

Facebook Comments