Umabot sa 358 families o katumbas ng 1,938 katao ang naapektuhan ng naganap na 6.1 magnitude na lindol sa ilang lugar sa Region 3.
Ito ang naging assesment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa bilang na ito 245 families o 1,271 katao ang nasa apat na evacuation centers habang 108 families ay nakituloy sa kanilang mga kamag anak at kaibigan.
Mas maraming apektado pamilya ang naitala sa lalawigan ng Palawan, kasunod sa San Marcelino Zambales at sa mga bayan ng Abucay at Bagac sa lalawigan ng Bataan.
Sa assesment pa ng NDRRMC umabot 80 structures o gusali ang napinsala ng 6.1 magnitude na lindol sa region 3.
Naibalik na rin ang supply ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng pagyanig maliba sa Brgy. Cangatba Porac Pampanga.