Pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kiko, umabot na sa mahigit 6000

Umabot sa 6,315 pamilya o 23,702 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Kiko sa bansa.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, at Cordillera ang mga naapektuhan ng bagyo.

Nasa 508 pamilya o 1,789 indibidwal ang tumutuloy ngayon sa 62 evacuation centers.


Habang 785 pamilya o 2,094 indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Hindi naman madaanan ang 11 kalsada.

Habang stranded din ang 93 pasahero sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Soccsksargen, at Cordillera.

Kahapon, tuluyan nang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Kiko.

Facebook Comments