Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 9,485 pamilya o 37,660 indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kiko sa regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa bilang na ito, 15 families ay nananatili sa loob ng limang evacuation centers habang 17 pamilya ay nakitira sa kanilang mga kaanak.
May tatlong indibidwal naman ang naitalang sugatan dahil sa pananalasa ng Bagyong Kiko.
Sa Region 2 naman, may 6 na areas pa ang walang communication lines habang 2 areas na ang naibalik na ang linya ng komunikasyon.
Aabot naman sa 323 bahay ang nasira ng pananalasa ng Bagyong kiko, 283 sa mga ito partially damaged habang 38 ay totally damaged.
Sa ngayon, tuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.