PAMILYANG NASUNUGAN HABANG BUMABAHA DAHIL SA BAGYONG PEPITO, HUMIHINGI NG TULONG

Cauayan City – Nawalan ng tirahan ang pamilya ni John Mark Allauigan matapos masunog ang kanilang bahay sa Sto. Tomas, Cabagan, Isabela.

Ayon kay Allauigan, ang sunog ay nagmula sa naiwang kandila sa loob ng kanilang tahanan.

Walang halos gamit ang naisalba mula sa insidente, ngunit lubos pa rin ang kanilang pasasalamat sa Panginoon dahil ligtas silang lahat.


Nagpasalamat din si Allauigan sa mga tumulong sa kanila, kabilang ang mga kapitbahay na naglakas-loob lumusong sa baha upang maapula ang apoy at pigilan ang pagkalat nito.

Sa ngayon, kumakatok ang pamilya Allauigan sa mga mabubuting loob na maaaring magpaabot ng tulong upang sila ay muling makabangon.

Ayon sa kanila, kahit maliit na halaga ay malaking tulong na para sa kanilang pangangailangan.

Samantala, patuloy na nananawagan ang pamilya sa publiko na sila ay tulungan sa kanilang muling pagbangon mula sa insidente.

Facebook Comments