Pinapayuhan ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang mga kaanak o pamilya na magtungo sa kanilang tanggapan sakaling nagkakaroon ng problema sa paghahanap ng puntod.
Ayon sa tanggapan ni Manila North Cemetery Administrator Dir. Rocelle Castañeda, mula pa noong nakaraaan linggo hanggang kahapon, nasa 50 pamilya na ang lumapit at kanilang natulungan sa paghahanap ng puntod ng kanilang yumao bukod pa sa mga nararapat nilang bayaran.
Bukas ang kanilang opisina anumang oras kung saan paliwanag ng mga tauhan ni Dir. Castaneda, updated ang datos na hawak nila kaya’t agad na naibibigay o nailalabas ang impormasyon na kailangan.
Sa kasalukuyan, nasa 20,000 ang estimated crowd na nagtutungo sa nasabing sementeryo as of 7am.
Nasa 1,217 naman na ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng mga pulis na kinabibilanganan ng pabango, sigarilyo, vape, baraha, lighter at mga matutulis na bagay na hindi naman na maaaring bawiin.