Pamilyang Pilipino na may limang miyembro, kakailanganin ng ₱279 kada araw para sa pagkain ayon sa PSA

Kinakailangan ng isang pamilya na may limang miyembro ng ₱8,379 kada buwan para sa pagkaing abot-kaya at sapat na nutrisyon.

Batay ito sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan pumapatak sa ₱279 o ₱93 bawat kain ng limang tao ang kakailangin para sa daily food threshold.

Pinalagan naman ito ni Batangas 6th District Representative Ralph Recto at sinabing mahirap lunukin ang numerong inilabas ng PSA dahil hindi na maituturing na “food poor” o nagugutom ang isang pamilya kapag nalagpasan ang daily food threshold.


Dagdag pa ni Recto, hindi niya alam kung ano ang mga lutuin na pinagbatayan ng PSA sa inilabas nilang halaga bilang budget sa pagkain.

Nilinaw naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang halaga na binanggit kung magkano ang kailangan para sa desenteng pagkain ng pamilyang may limang miyembro ay hindi umano para sa pagtukoy sa kalagayan ng pamumuhay ng isang pamilya.

Facebook Comments