Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng isang milyong dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa bansa matapos makapagsumite ang manufacturer ng certificate of analysis para sa mga bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi muna ipinamigay ang mga bakuna dahil sa wala pa ang naturang sertipiko.
Aniya, kailangan ang certificate of analysis para masiguro ng ating gobyerno na itong mga bakuna ibinigay sa bansa ay ligtas at epektibo.
Maliban dito, sinabi ni Vergeire na ang syringes para sa Pfizer-BioNTech ay dumating na rin at nakahanda nang ipamahagi sa vaccination hubs.
Facebook Comments