Pamimigay ng 50K sa mga Magpapabakuna sa National Vaccination Day, Pakulo sa Quirino Province

24

Cauayan City, Isabela- Bida ngayon sa probinsya ng Quirino ang pamimigay ng P5, 000 para sa magpapabakuna kontra COVID-19 kung saan dalawa ang mananalo sa 18 vaccination site sa pamamagitan ng raffle draw.

Inihayag ni Union of Local Authorities of the Philippines Presidente at Quirino Governor Dakila Carlo Cua, hakbang ito ng Provincial Government upang hikayatin ang mga residente na magpabakuna sa inilunsad na 3-day Bayanihan, Bakunahan o National Vaccination Day.

Ngayong araw, iaanunsyo naman ang maswerteng mananalo ng P50, 000 sa Grand Raffle Draw.


Samantala, nasa 50 nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 habang umakyat naman sa 6,892 ang mga nakarekober sa sakit.

Facebook Comments