Pamimigay ng assistance package para sa mga pamilya ng mga OFW sa mga lugar na apektado ng lindol hindi pa nasisimulan ayon sa DMW

Hinihintay pa ng Department of Migrant Workers o DMW ang damage at need assessment mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC bago masisimulan ang pamimigay ng assistance package para sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Toby Nebrida na kailangan munang matukoy ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga lugar na matinding napinsala ng lindol para ma-identify rin ang bilang ng mga pamilya ng mga OFW na mabibigyan ng asssistance package.

Makakatangap aniya ng 3 libo hanggang 5 libong piso ang bawat pamilya ng mga OFW na lubhang nabiktima ng malakas na pagyanig.


Sinabi ni Nebrida, kapag natukoy na ang bilang ng mga pamilya ng mga OFW na matinding napinsala ng lindol ay tutulong lang daw ang mga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa regional offices sa pamimigay ng ayuda.

Una nang naglaan ng 20 million pesos assistance ang DMW sa mga pamilya ng mga OFW na matinding apektado ng lindol sa Northern Luzon.

Facebook Comments