Pamimigay ng ayuda sa mga apektado ng ECQ, band aid solution lang; mass testing at contact tracing, mas dapat gastusan ng gobyerno – Dr. Leachon

Naniniwala si dating National Task Force (NTF) Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon na dalawang linggo pang palalawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa “NCR Plus” bubble.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Leachon na hindi pa kasi naisasaayos ng pamahalaan ang testing at contact tracing.

Bukod aniya sa pamimigay ng ayuda, dapat ding gastusan ng gobyerno ang mass testing at contact tracing gaya ng ginawa ng ibang mga bansa na naging matagumpay sa paglaban sa pandemya.


Inihalimbawa niya rito ang bansang New Zealand na bagama’t wala pang bakuna ay napakababa ng COVID-19 cases dahil sumusunod sila sa science-based approach.

Giit pa ng health expert, kung walang mass testing mababalewala rin ang ECQ.

Ang pagkagastusan dapat ng Kongreso at Senate ay testing at contact tracing kasi ito lang naman ang ginawa ng mga successful countries in the world. Kasi we are grossly inadequate, we cannot track because we do not do enough testing. If we cannot track down, we cannot vaccinate,” paliwanag ni Leachon.

Ayon naman sa Citizens Urgent Response to End (CURE) COVID-19, hindi lang replay ang umiiral na lockdown ngayon kundi sampung hakbang palikod kumpara noon.

Gaya ni Leachon, binigyang-diin din ng grupo ang kahalagahang makapagsagawa ng 130,000 daily tests para mapabagal ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments