Nagiging isyu ngayon ang pamimigay ng ayuda sa mga apektadong residente ng Dagupan City.
Sa impormasyon na natanggap ng IFM Dagupan, tila nagkakalituhan umano sa pamimigay ng ayuda kung saan ay may bilang lamang ng mga nabibigyan ng ayuda na mga Pamilya.
Sa naging magkasunod na panayam ng IFM Dagupan kina Poblacion Oeste Brgy. Captain Macmac Gutierrez at Malued Brgy. Captain Pheng Delos Santos, ang nasabing ayuda na unang pinapamigay ay hindi galing sa Brgy. o Munisipyo bagkus ay sa DSWD.
Paglilinaw ng mga Brgy. Officials, hindi na nakikipag ugnayan ang DSWD sa Brgy. upang mamigay ng stab na siyang gagamitin sa pag claim ng ayuda.
Hindi naman anila maiwasan na may mga mag akala na pinipili ng Brgy. ang mga dapat bigyan ng ayuda pero iginiit na walang kinalaman dito ang Barangay.
Sa ngayon ay kasalukuyan na ding inaayos at inumpisahan na din mamigay ng mga ayuda o relief sa mga apektadong residente mula sa pondo ng Brgy. at ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments