Mahigpit na ipinatutupad ng Pasig City Government amg Social Distancing kaya pansamantalang pinatigil muna kaninang umaga ang pamamahagi ng P4,000 Cash Aid sa mga jeepney driver sa Pasig City
Naka-scheduled sana ngayong araw ang pamamahagi ng P4,000 Cash Aid para sa mga jeepney driver na mga residente ng Pasig City batay na rin sa anunsyo kamakailan ni Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Pasig City Police Chief Col. Moises Villaceran,kinausap nito ang mga organizer na ire-schedule na lang ang nasabing pamamahagi ng ayuda dahil manganganib umano ang buhay ng mga Jeepney driver kapag ito ay magkakahawaan dahil sa kawalan mg disiplina.
Ayon naman kay Volta Delos Santos nangasiwa ng pamamahagi ng Cash Aid hindi umano nito akalain na magsisipagdagsaan nag mga jeepney driver na nagmula pa sa ibat ibang Lalawigan kayat napagkasunduan ng dalawang panig, na makikipag-ugnayan nalang ito sa Pasig Police upang magtulungan sila sa pagkontrol kapag dumagsa na ang mga drayber.
Paliwanag ni Delos Santos na magbibigay na lamang sila ng panibagong anunsyo kung kailan ang susunod na schedule ng pamamahagi ng ayuda.